Vice Ganda, humingi ng paumanhin matapos makakuha ng backlash ang isang 'Memerimar' skit

Buong nagpakumbaba at humingi ng paumanhin ang award-winning host at comedian na si Vice Ganda sa episode ng It's Showtime kahapon July 25 tungkol sa mga binitiwan niyang salita kay Baby Dolls member Johaira.
Nag-viral online ang nangyari sa pagitan nina Meme Vice at Johaira noong July 24 sa Laro-Laro Pick segment ng It's Showtime kung saan bida si Vice sa “Memerimar” skit. Maraming viewers at netizens ang hindi nagustuhan ang nangyari sa naturang skit.
RELATED CONTENT: Meet 'It's Showtime' Baby Dolls
Sabi ni Vice, "Nakarating po sa aming kaalaman na may mga madlang people po na hindi nagustuhan o na-offend sa ilan sa aming jokes o biruan dito sa Showtime, pati na rin sa mga ginagawa namin sa Memerimar na they found the jokes offensive or insensitive."
Binigyan-diin niya na nakikikinig siya at buong It's Showtime team sa sentimyento ng publiko at nangako siya na mas pagbubutihan nilang lahat.
"Gusto lang namin ipaalam po sa inyo na the last thing we want is to displease you o hindi mapasaya ang aming madlang people. Kaya naman, ina-acknowledge po namin ang inyong sentimyento at humihingi po kami ng paumanhin sa inyo,"
"And we will try to do better. Maraming maraming salamat po,"
RELATED CONTENT: Throwback performance of Vice Ganda in the Kapuso Network
RELATED CONTENT: Most controversial PH showbiz stories of 2025













